Cause and Effect

February 6, 2012

17:47

Cathay Pacific CX 831 to HKG

Seat 31D

Yes mga teh. Pauwi ako ng Pilipinas! Habang sinusulat ko to, ineenjoy ko ang company ni Miranda Priestly at Andrea Sachs. I’m currently battling how to fit my laptop dito sa table dito sa upuan dito. Ang ganda pala magfly fly sa Cathay. Nireready ko na ang battery ko para dito sa flight na to, pero may AC adapter! May power source! What the what! Di ko kasi nararanasan to sa Delta. At kasalukuyang inaapakan ko ang paa ng nasa likod ko dahil kanina niya pako sinisipa! Kasalukuyan ding naiinis ako sa batang nasa window seat (31A) dahil kanina pa siya sigaw ng sigaw at kunwari nasa roller coaster siya. Sarap patulugin (alam mo na kung anong ibig kong sabihin. Nakakairita e!) 11:10 hours pa, 13 hours pa bago ako makarating sa Pilipinas kong mahal!

***

Nasa HKG nako. Delayed ang flight ko, bastos pa yung intsik na lalakeng nasa counter. Nagtatanong lang e, salamat sa hospitality ah!

Buti na lang may WiFi dito. 50 minutes delayed yung flight, ayokong maghintay sila mommy.

Can’t wait to see Gelo! Smile

Ay Pilipino pala kayo?

Punong puno nako sa mga taong dinedegrade ang mga Pilipino kahit saan o kahit kelan, o kahit saan. Punong puno nako sa mga Pilipinong dinedegrade ang mga kapwa Pilipino.

Alam ko naman sa sarili ko na ayoko sa mga Jejemon at sa mga Jejecrap na pinopost nila, pero hindi ko naman sila masyadong pinapakelaman, masstress lang ako at how can I say that Jejemons are extremely obnoxious kung ako nakikanta din ako sa mga kantang to?

Hindi naman kayo masasayangan ng oras dahil maganda naman yung mga message ng kanta nila. AT NAKAKARELATE AKO NG BONGGA! (Ops, wag nang tanungin. Yung maid of honor ko lang sa future kasal ko at yung bestfriend ko yung nakakaalam ng totoong storya. Ang maintriga panget!)

Ang ayoko lang naman e kung pano sila magpapicture at magsulat.

Parang ganito:

Medyo mahirap icomprehend. Di ko kaya. Sorry.

At ito:

Pag ginaya ko siguro siya sa picture, baka mamaster ko na ang Teach Me How To Dougie, yun lang magmumukha lang akong robot.

Siguro kanya kanyang trip lang yan, pero diak maawatan talaga!

Kung baket ako nagsusulat tungkol sa mga bagay na to, kasi nakita ko tong article na to tungkol sa pagshoshoot ng The Bourne Legacy sa Malate.

LIKE HELLO! Karamihan sa mga tao sa Malate nasa slum areas, aba kung ganon ang sitwasyon, e dapat lang siguro na wag silang magexpect ng malaki dahil nasa SLUM AREA sila e, NASA SQUATTER SILA E, yun ang ghetto place ng Pilipinas, yun ang Harlem ng Pilipinas! Oo sige na, nakakahiya na yung display ng ganung kilos dahil ang balik nun, yun na ang tingin sa lahat ng Pilipino. Try niyo kayang panuorin yung Maury, yung The Jerry Springer show, at yung Steve Wilkos show? Hindi ko ginegeneralize, MIND YOU. Ang sakin lang, meron din kayong mga taong ganito! Di ko kayo nilalahat, pero kung ganun ang tingin niyo sa aming lahat, pwes!

Haynako. At ang pagsusulat ng author? Sorry pero isa ka ba sa mga nakatira sa squatter na mas masahol pa ang bibig sa mga taong nagsusugal dun? O may hinanakit ka ba kay Julius Babao?

Anong klase yan Julius Baboy? Anong klaseng tao ka? Baboy? Putangina kang baboy ka talaga. Matutong maging impartial gago! Isasama mo pa kami sa kagaguhan mo putangina ka, hindi ka mouthpiece namin putangina mo at putangama mo rin. Ulol!

Nasa “Payatas: The Experience” ata ako nung nabasa ko to, ang baho e.

At sa mga cast and crew ng The Bourne Legacy: You should’ve anticipated the scenarios that would happen if you guys were there in that area! YOU ARE THE TOURISTS, YOU ARE THE FOREIGN BODIES THAT ARE LURKING AROUND THEM, THEY JUST REACTED TO YOU GUYS LIKE ANTIBODIES TO ANTIGENS! If they made fun of you, you shouldn’t be irritated, ITS THEIR NATURE! Wala ba kayong concept ng Biodiversity?

Wokay. Next topic.

Filipino FOBs. (FOB = Fresh Off the Boat)

In my own definition (base sa mga karanasan ko) ang ibig sabihin ng “FOB” ay ang mga immigrants sa ibang bansa na may strong accent, na hindi makarelate or trying hard to relate to other people at tingin ng ibang tao sa kanila e wala silang alam. Natatally nila ang mga mayayabang na Pilipino na “Walang ganyan sa Pilipinas noh?” or “Meron bang ganyan sa Pilipinas?” or “Di katulad sa Pilipinas puro alikabok!”

Aba’y konting kaalaman mga kababayan kong white-washed, YOU SPEAK THE LANGUAGE, YOU UNDERSTAND THE LANGUAGE, DUN KA PINANGANAK, AT KAWAWA KA NAMAN AT MAY CHRONIC STIFF NECK KA! HINDI KA MAKALINGON SA PINANGGALINGAN MO!

Oo madaming flaws ang Pilipino, alam din naman namin na may accent kami, alam din naman namin na may “F and P, B and V” problem kami, oo may grammar problems kami, pero sino kaya ang tumutulong sa inyo pag tumawag kayo sa Dell customer service niyo dahil nakalimutan niyong isasaksak ang monitor sa CPU niyo o walang battery ang remote control niyo kaya di nag-oon ang Sony Bravia niyo? SURPRISE! CALL CENTERS SA PILIPINAS.

Naooffend ako pag pinaguusapan tong topic na to tungkol sa mga fobs dahil ako, bagong salta din ako dito sa ibang bansa at kung sino pa yung mga “born and raised Filipinos” dito (karamihan, hindi lahat)  na may sticker ng Philippine flag, meron pang shirt ng 3-Stars-With-A-Sun, meron pang “Pinoy Pride” sa mga blogs nila, SILA PA ANG NANGUNGUNANG MAGLABEL SA MGA IMMIGRANTS NA FOB SILA!

1. First of all, kahit may accent kami, at least naman marunong kaming magenglish noh! At sige, tawag ka pa sa AT&T, Chase, T-Mobile, at HP Customer services. Tanungin mo kung ano pangalan nila at baka Pilipino pa ang makatulong sa pagsaksak mo ng plug ng computer mo para gumana.

2. At kahit sa ibang bansa kami lumaki, mas may alam naman kami tungkol sa pamumuhay nang praktikal, at marunong naman ako lumugar kung nasa squatter ako o nasa classy na lugar ako. Alam ko naman siguro kung pano maghugas at maglaba ng underwear ko at hindi lang yung nilalagay sa dishwasher at washing machine.

3. At kahit may mga CONYO sa Pilipinas, at least sila hindi sila takot sa simpleng langgam. Ano ba!

4. At lastly, nirerespeto ko ang magulang ko. Hindi ako nagmememake face sa likod nila o hindi ko sila dinidisgrace sa ibang tao by calling them “stupid!” Pasalamat ka nga at nabuo ka e. (at hindi ka pinahid ng tatay mo sa tissue)

At sa mga kapwa ko nandito na uuwi ng Pilipinas, oo mas maraming alikabok sa Pilipinas dahil marami pa ding mga smoke belchers sa Pilipinas. Wag mong sabihing kadiri, wag kang magexpect nang malaki dahil nasa Pilipinas ka at hindi plastic ang mga jeep at iba pang sasakyang smoke belchers. Kung hirap ka magcommute, e di magtanong tanong ka, o andyan si bestfriend Google. Kung mabibigla ka sa taxi, maging smarte ka na lang sa pagpili ng taxi at wag kang tatanga tanga na sasakay ka na lang sa taxi at kokontratahin ka. Kung sa tingin mo maliit ang serving sa restaurant, eh di umorder ka na lang ng dalawa! Wag ka nang magreklamo, bilangin mo kung ilan ang makikita mong obese sa Pilipinas, e dito sa US 3 minutes pa lang ng people-watching ko nakabilang nako ng 5 obese na tao e.

Sorry naman at hindi mo masakyan ang mga trip namin sa Pilipinas.

ISA PA. Wag na wag mong mamaliitin ang One More Chance ni John Lloyd at Bea dahil kahit ganun kadrama yun, at yun ang isa sa mga phenomenal movie sa Pilipinas tulad ng Himala ni Nora Aunor na meron pang Japanese subtitles sa gilid at English subtitles dahil film entry siya sa Asian Pacific Screen Awards at Berlin International Film Festival!

Hinahighblood ako kanina pa dahil nakakairita na.

tumblr_lnri07sd3G1qhlmm4

In other news, naglaro ako ng PumAgility sa mall nung isang linggo.

A000002C0C111D-1326485080549

At hiningal ako ng bonggang bongga dahil matagal nakong hindi nagwowork out.

Walang anuman at naappreciate mo ang makinis na noo ko.

*Erratum: Hindi pala Bourne Ultimatum. Bourne Legacy pala. Thanks Meann! :)

Too Many Photos to Load, So Little Bandwidth!

facebook profile photo

*Ito ang latest profile picture ko since kahapon pa (1.16.12) dahil birthday ni Itay!

So birthday ni Papabels ngayon. 1.17.2012. Andito ako sa Panera ngayon, tanga ko lang, nilarge ko pa yung drink ko, refillable naman pala. Sayang yung 40 cents ko. Look o!

Snapshot_20120117

Brewed Acai Berry tea (para kunwari healthy living)

So yeah. Birthday ni Papa. Dahil sa pelikulang Up In The Air ni George Clooney, nagkaron kami ng idea.

(Wait, napapasayaw ako sa kanta: 911 – The Journey – Love Sensation)

*Yung sister ni George Clooney sa film na to, ikakasal. Kaso wala silang pangtravel kaya nagbigay na lang sila ng mga cardboard pictures nila sa mga kaibigan nila para kunwari madami na silang napuntahan. Hehehe.

Sa case ni Papa, 2000 pa siya dating andito sa New York. Hindi siya makabalik gawa ng taling tali siya sa business. Kaya gumawa kami ng paraan. At dahil photographer ang kapatid ko, at magaling siya sa Photoshop, we came up with this!

384388_2208708996169_1800794209_1461330_1244179790_n

*Mommy, Daddy, at si Gelo (bunso namin)

Kinuha ni Joy ang ulo niya, plus isa sa mga Lacoste shirts na nakita namin sa internet:

397147_2208709836190_1800794209_1461332_886277350_n

Kaboom. Ang weird lang ng arms and neck, kasi hindi sa kanya yung. Binlend in lang namin yung skin niya. Hehehe.

So ayun, pumunta kami sa kung san san sa NYC.

386427_2208689955693_1800794209_1461289_1541142993_n

Sa subway, E train papuntang World Trade Center.


1.19.2012

On with the story. May project kasi akong ginawa plus ang haba pa so ngayon lang ulit ako nakapagblog. So on with the story. (Paulit ulit? Paulit ulit?)

397517_2208621073971_1800794209_1461238_983005132_n

Bridge along Ground Zero to the World Financial District

388590_2208619113922_1800794209_1461237_2018160090_n

Ground Zero construction

389502_2208621673986_1800794209_1461239_1950984421_n

378548_2208623874041_1800794209_1461243_349264714_n

Winter Garden at the World Financial District

402575_2208623234025_1800794209_1461241_478621809_n

Dining area at the WFC!

166905_2208624394054_1800794209_1461245_501843446_n

Outside WFC going to Battery Park

399913_2208624194049_1800794209_1461244_478385246_n

Battling the blistering cold! It was so cold that we just took a picture just outside WFC (and some parts of Battery Park)

403028_2208690235700_1800794209_1461290_604067038_n

Me, Josel and Jasmine, mga pinsan ko

404666_2208618833915_1800794209_1461236_386554099_n

Subway kulitan with my dad! Smile

389837_2208626354103_1800794209_1461248_1466813979_n

Washington Square Park. Wag mag-isip ng weird, alam kong malapit sa Bekiland tong Washington Square, pero alam ni Daddy ito.

395005_2208626954118_1800794209_1461250_1541964426_n

Naisip namin na pag pumunta kami ng 34th street sa Empire State hindi niya maappreciate. So tinake na lang namin sa Washington Square.

384400_2208628834165_1800794209_1461254_2026956253_n

Times Square!

383216_2208628194149_1800794209_1461252_2047783104_n

Playing around with the big Forever 21 screen in Times Square. Ang cute lang namin ni Papa!

389442_2208628434155_1800794209_1461253_1607785521_n

Us girls with Papa!

374812_2208629354178_1800794209_1461256_203141661_n

Naglakad na lang kami papuntang Rockefeller. So many memories at that place, nageemote kasi siya dati na naalala niya kami pag may nakikita siyang nagiice skate. We used to ice skate when we were younger, at si Papa yung magdadala samin.

387742_2208629114172_1800794209_1461255_345442648_n

Good thing may skating rink pa sa Rockefeller nun. Tuwing winter lang kasi siya.

397298_2208629674186_1800794209_1461257_119783665_n

With the famous Prometheus gold statue overlooking the skaters! Sayang lang, ang panget ng ice. Nung minsan 20 minutes akong tumambay dun, di man lang Zina-Zamboni.

403929_2208629994194_1800794209_1461258_2006886787_n

Kami ng kapatid ko. Reunited with Papa! Smile

396814_2208690355703_1800794209_1461291_391247153_n

They put up the national flags again! Nung Christmas season, Gold and Silver yung kulay nila.

397092_2208630234200_1800794209_1461259_1245279770_n

Kami ng Papa ko. Nasanay akong kaakbay si Papa sa Pilipinas. Kahit mas matangkad siya sakin.

385056_2208630634210_1800794209_1461260_1987160785_n

Walked back to Church. Hindi pa niya nakita yung bagong kapilya e. Nung nandito siya dati, tumutulong pa lang sila sa construction ng Forest Hills locale.

400313_2208630914217_1800794209_1461261_1287603853_n

The latest picture of my Uncle and my Daddy!

402941_2208690795714_1800794209_1461294_964117283_n

Pinaglalaruan lang namin picture ni Papa. Hehehe.

384482_2208617073871_1800794209_1461232_940828072_n

Papa in front of the house.

375376_2208690995719_1800794209_1461295_1336008664_n

Ang hirap mag Picture-ception (picture in a picture in a picture in a picture) sa SLR kaya Digicam na lang ginamit namin

401181_2208617513882_1800794209_1461233_304406919_n

He used to drive this car, so eto, picture picture! Namiss niya e!

And their reaction (At dahil hindi nagFeFacebook si Papa kahit meron siyang account!)

reaction

SUCCESS! Naiyak daw si Papa and natulog siyang nakangiti. He even bragged about him going to NY for a weekend trip! Hilarious!

But amidst all of these, ito pa din ang best picture namin ni Papa:

264184_2058830943880_1037848427_2294724_1561852_n

Matigas daw yung legs ko nung 11 months old ako, so binalance niya ako sa hand niya. PANO KUNG NAHULOG AKO DIBA! Ang galing lang. Pero scary. Pero pag ako nagkaanak, gagawin ko din to. I’m so proud!

Happy birthday ulit Pa, salamat sa Diyos at tatay kita, tatay na, kaberks pa! Hindi niya ako iniwan lalo na nung mga breakup days/ugly-cry-face period ng buhay ko, asking questions like, “Mahal mo ba talaga ha?” tipong ganun. Hahaha. He exposed us to every thing evil – pati pa-mimick-up ng babae sa Q. Ave. (na syempre hindi namin gagawin kasi “panget ang market sa Q. Ave, matatanda na”) para hindi kami maging ganun or hindi kami mag-end up sa ganun.

I’m so lucky I have the best dad ever. I love you Papa! <3

Ang Dalagitang May Butiking Peklat

Kung ayaw niyo ng spoiler, wag niyong basahin tong post na to.

Natapos ko kahapon ang libro ni Stieg Larrson na “The Girl With The Dragon Tattoo”.  (1.11.12)

DSC02280

Ang ganda lang men. Pagkabasa ko pa lang ng first line sa Chapter 1, may hint na ng female violence. It was boring at first, pero I tried really hard to absorb everything, thinking every single detail has a signficance.

This is a story about an uncle longing for his beloved niece, a family-owned financial corporation, swindling, and of course, sexual violence.

Alam niyo, dahil sa kakanood ko ng Calvento Files dati, lalo na yung Calvento Files movie, lagi ko iniisip kung paano kaya kung ma-rape ako? Hirap na hirap ako manuod ng rape scenes gawa ng puro matatandang lalake yung mga nangrerape sa mga napapanood ko! DANM PEDOS. Pero nung nasa college nako, kaya pala traumatic yung experience ng babae, dahil hindi siya nakakapagrelax ng muscles, kaya masakit. BAM! Pero grabe pa din, lalo na dun sa book, it covered violence, some gore descriptions, plus the Nazi era.

E mahilig pa naman ako sa issues revolving the Nazi plus the Genocide. Sa totoo lang, I adore Adolf Hitler and his vision of perfection. Syempre, power can make you very greedy, very superior, and everyone else is just tainted. (Mataas grades ko sa World History. At mahilig ako magbasa sa Wikipedia at sa ibang articles about the Hitler period. Plus, hindi pa din ako makaget over sa chismis na tatay ni Adolf Hitler si Jose Rizal.)

Sex, drugs, and alcohol. These were the three elements I always look for when I read a synopsis of a book. But this booked shocked me. Marami nakong nabasang mga crime/murder books at ito ang isa sa mga pinakamagagandang librong nabasa ko. As in hands down, yung pwede bang ipusta yung buhay. Hehehe. Sorry pero grabe lang din yung sexual violence, natalo niya si Tess Gerritsen sa The Surgeon. At ilang araw nakong hindi nagteTetris Battle at naglalaro ng The Sims 3.

BUT THERE IS A CATCH. I did not like the title. Mas gusto ko yung original Swedish title, which is “Men Who Hate Women”. Mas relevant siya sa takbo nung storya. At nakakabadtrip lang, wala naman palang significance yung tattoo niya na dragon. Ang detail lang about sa mga tattoo niya, every significant experience/unforgettable pain, pinapatattoo niya. Pero hindi man lang inexplain ni Larrson kung ano each tattoo, except for the last one which was a band around her ankle. Half of this story is Salander’s history, and then her latest traumatic experience. Pero hindi talaga relevant yung title. Dahil siguro sa original title na “Men Who Hate Women” na parang self-help book, na parang “MEN ARE FROM MARS, WOMEN ARE FROM VENUS”. Fine Larrson, accepted.

Nakakainspire lang yung pagkakaroon niya ng photographic memory, parang gusto ko ulit magtrain ng photographic memory. Thank you for self-study books and websites!

May hint nako na buhay yung girl e. Dahil sa first part ng movie, yung flower na galing sa Australia, plus yung boom na may phone call from Australia to London. Ang galing lang talaga.

Anyway, ang ganda talaga. Ang ganda ng libro, ang ganda ng pagkakasulat, ang ganda ng transition between characters, and it was written very dramatically.

7 days nasa akin yung libro borrowed from my friend Alex through Mhikka. Usually when I read books, bago lang ako matulog saka ko siya binabasa. Pero hindi ko mabitawan tong librong to, dala ko sa city, dala ko sa church, binabasa ko habang kumakain! One night, almost 4 am nako natulog dahil super page turner siya, plus puro OMG pa yung mga nababasa ko.

And you know where I finished this book?

Sa banyo. Bago ako maligo. (Hindi po ako tumatae nang mga oras na yun. Nakaupo lang ako sa  toilet seat, at nakasara siya! Heller.)

I have yet to see the movie. Wala na siya sa movie houses and wala pang naguupload ng DVDRip e. Ayoko naman ng CAM copy, I pay attention to a lot of detail. I heard its good, and the publishers (or the book representatives) were really convinced that the movie gave justice to the book, unlike other books na ang dami nilang in-omit na scenes.

Stieg Larrson, you are a legend. Sana di ka muna masyadong nagpakabait, di ka sana kinuha ni Lord agad. I’m looking forward to read your second and third book.

**Thank you for reading my last post. Unfortunately, someone close to me advised I password protect my post, “Trabaho:Raketeer”. If you wish to view this post, please e-mail me or tweet me.

First post daw e.

Eh di first post. Hindi naman ako trying hard maging witty. Hindi din ako trying hard makakuha ng mga blog awards o mafeature sa magazine. Ang gusto ko lang, isang maliit na espasyo sa World Wide Web kung saan pwede ko maikwento ang mga karanasan ko sa buhay.

Basahin mo muna yung ReadMe, tulad ng kung pano ka maginstall ng mga piniratang software sa internet.

Parang preface, para alam mo kung pano basahin ang blog na ito.

Maraming salamat at Maligayang bagong taon!